Thursday, June 28, 2012

3.6.12

Sa unang pagkakataon
na ang labi'y umutal ng salita
habang ang diwa ay dinuduyan pa ng pagkabata
hanggang sa sandaling ito
...
sa harap mo, dinaramtan nang
isang bagong pagkatao
ang lahat ng titik na namutawi
sa aking bibig ay nawalang kabuluhan
sapagkat sa sandaling ito
ang aking bibitiwan
ay higit pa sa ginto ang halaga,
higit pa sa buhay ko ang kahulugan
...
ang pangako ng pag-ibig na
walang hanggan.
 

No comments: